Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Ikalawang Rehiyon, sa pangunguna nina Panrehiyong Patnugot Agnes A. De Leon, CESO IV at Kawaksing Panrehiyong Patnugot Elpidio A. Durwin, CESO IV, ay nagsagawa ng Tree Planting para sa pagdiriwang ng National Women’s Month, sa bakuran ng panrehiyong tanggapan sa ika-28 ng Marso, 2025.

Ang makabuluhang hakbang na ito ay naglalayong itaguyod ang pagpapahalaga sa kalikasan at pagsuporta sa mga kababaihan sa komunidad. Ang pagdiriwang ng National Women’s Month ay hindi lamang isang pagkakataon upang kilalanin ang mga kababaihan sa ating lipunan, kundi pati na rin ang kanilang papel sa pangangalaga ng kalikasan.

Dagdag pa rito, ang aktibidad ay naglalayong kilalanin ang halaga ng kababaihan sa lipunan at para sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian.

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam