Bilang isang programa ng departamento na may layuning suriin ang pagiging epektibo ng mga Katarungang Pambarangay sa pagresolba ng mga isyu sa kani-kanilang barangay, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Ikalawang Rehiyon ay nagsagawa at nangasiwa ng Talahanayang Pagsusuri para sa dalawampu’t isang Katarungang Pambarangay para sa Lupon Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) noong ika-10 hanggang ika-15 ng Abril 2025 sa Pulsar Hotel ng Lungsod ng Tuguegarao.

Sa kanyang mensahe, ang Kawaksing Panrehiyong Patnugot Elpidio A. Durwin, CESO IV, ay nagpasalamat sa partisipasyon ng mga nominado at sa suporta ng Regional Awards Commitee (RAC). Kanya ring binigyang diin ang mahalagang tungkulin ng mga Katarungang Pambarangay sa kani-kanilang komunidad.Ibinahagi naman ng Hepe ng Dibisyon ng Pagsusubay at Ebalwasyon ng Pamahalaang Lokal Maybelle E. Anog ang pangkalahatang-ideya ng aktibidad at ang Kawaksing Hepe ng nasabing Dibisyon Jennnifer G. Baguisi ang kanya-kanyang skedyul ng ebalwayson ng mga Katarungang Pambarangay.

Pagkatapos ng ebalwasyon at deliberasyon ng RAC ang mga sumusunod na Katarungang Pambarangay ay ang mga nanalo sa kani-kanilang kategorya at ma-eendorso sa Pambansang antas na LTIA:

  • Independent Component City/Component City - San Andres, Santiago, Isabela
  • 1st Class Municipality - Gadu, Solana, Cagayan
  • 2nd Class Municipality - Andres Bonifacio, Diffun, Quirino
  • 3rd Class Municipality - San Leonardo, Aglipay, Quirino
  • 4th Class Municipality - Baresbes, Quezon, Nueva Vizcaya
  • 5th Class Municipality - Bintawan Norte, Villaverde, Nueva Vizcaya

Ang RAC ay binubuo ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal bilang tagapangulo; Kagawaran ng Katarungan bilang kawaksing tagapangulo; Liga ng Bayan, Pulisya ng Ikalawang Panrehiyon; at Organisasyon ng mga Lipunang Sibil bilang mga miyembro.

LGOO II Gian Carlo B. Narisma

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam