Matagumpay na naidaos ng Panrehiyong Yunit ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Proyekto (RPDMU) ang tatlong araw na Training on Technical Skills for Non-Engineers and Local Project Monitoring Committee noong Abril 28–30, 2025 sa NGN Gran Hotel, Alimanao, Peñablanca, Cagayan.

 Pinangunahan ni Panrehiyong Patnugot Agnes A. De Leon, CESO IV, ang pagbubukas ng aktibidad kung saan mainit niyang tinanggap ang mga kalahok sa napapanahong pagsasanay para sa mga miyembro ng Local Project Monitoring Committees (LPMCs).

 Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni RD De Leon na ang maayos at matapat na pagpapatupad ng mga proyekto ay patunay ng tunay na pagmamalasakit sa kapakanan ng mga mamamayan. Hinikayat din niya ang lahat na aktibong makibahagi sa mga talakayan at patuloy na matuto, sapagkat ito ang susi sa pagbuo ng mga makabuluhang proyekto na magdadala ng kaunlaran, kasaganaan, at kapayapaan sa mga komunidad.

 Kabilang sa mga lumahok ay ang mga MLGOO at piling miyembro ng LPMC mula sa mga sumusunod na LGU:

  • Tuguegarao City, Cagayan
  • Sanchez Mira, Cagayan
  • Burgos, Isabela
  • Tumauini, Isabela
  • Cauayan, Isabela
  • Cabagan, Isabela
  • Quezon, Nueva Vizcaya
  • Aritao, Nueva Vizcaya
  • Kayapa, Nueva Vizcaya
  • Maddela, Quirino

Nakibahagi rin si Atty. Reginald M. Agustin mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DepDev, dating NEDA) upang ibahagi ang mga kaalaman tungkol sa Regional Project Monitoring and Evaluation System (RPMES) na ginagamit ng mga LPMC sa pagsubaybay sa mga proyekto.

 Bilang bahagi ng aplikasyon ng kanilang mga natutunan, isinagawa ang isang onsite inspection sa proyektong Construction of Drainage Structure sa Taguinod Street, Linao East, Annafunan, Tuguegarao City. Ito ay nagsilbing praktikal na pagsasanay para sa mga kalahok upang mas maunawaan ang mga konsepto at proseso ng epektibong project monitoring.

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam