Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-123 Araw ng Paggawa ng Pilipinas, matagumpay na isinagawa ang Government Internship Program (GIP) Fair noong ika-01 ng Mayo 2025 sa SM City Tuguegarao, sa pangunguna ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo - Rehiyon 2.

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal - Rehiyon 02 ay isa sa mga aktibong lumahok sa naturang job fair, na naglalayong mabigyan ng oportunidad ang mga kabataang Pilipino na makaranas ng trabaho sa gobyerno at mapaigting ang kanilang kaalaman sa pampublikong paglilingkod.

Sa isinagawang GIP Fair, limang (5) aplikante ang na-hire-on-the-spot ng Kagawaran, bilang suporta sa programa ng pamahalaan na makapagbigay ng pansamantalang trabaho, karanasan, at pagsasanay sa mga kabataang nais makilahok sa pampublikong serbisyo.

Isang taos-pusong pagbati sa mga bagong intern at pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino.

SOURCE: AO IV (HRMO II) JA PEACE UY CARODAN

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam