Lungsod ng Tuguegarao, Lalawigan ng Cagayan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng Ease of Doing Business (EODB), isinagawa ang pagbabahagi ng mga aktibidad at presentasyon ng isang AVP sa mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Panrehiyong Tanggapan noong ika-13 ng Mayo 2025, sa lingguhang pagpipisan.

 Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang: “Red Tape to Red Carpet: Better Business Movement in a Bagong Pilipinas” (#R2C: BBMBP), na alinsunod sa Proclamation No. 818, na nagpapahayag ng buwan ng Mayo bilang EODB Month, at batay sa ARTA Memorandum Circular No. 2025-01, Series of 2025, na nagbibigay ng mga alituntunin para sa paggunita ng buwan ng EODB.

Ang presentasyon ay isinagawa din alinsunod sa Panandaan na inilabas noong ika-30 ng Abril 2025 ni Atty. Omar Alexander V. Romero, Undersecretary for Operations ng kagawaran, na nananawagan sa lahat ng mga yunit na aktibong makilahok sa pagdiriwang at isulong ang adbokasiya ng mas mabilis, maayos, at mabisang paghahatid ng serbisyo publiko.

Ipinakita sa pamamagitan ng AVP ang mga tagumpay ng ARTA sa pagpapababa ng red tape, pagpapahusay ng proseso ng pamahalaan, at pagsuporta sa mas magaan na kalakaran sa negosyo, na tugma sa layunin ng administrasyon - ang “Bagong Pilipinas”.

Kabilang sa mga aktibidad ng EODB Month ang Fun Run, Poster-Making Contest, Social Media/Reels Contest, pagkilala sa mahuhusay na Serbisyo at Kawani, at ang Pambansang Inspeksyon ng mga Serbisyong Frontline.

Ayon kay RD Agnes A. De Leon, CESO IV, "Ang EODB Month ay paalala sa ating lahat na nasa serbisyo publiko na tayo ay may tungkulin na gawing madali at mabilis ang mga proseso para sa publiko. Hindi lang ito selebrasyon, ito ay panata."

JA PEACE UY CARODAN
AO IV (HRMO II)

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam