Bilang katuwang sa pagsusulong ng Gender and Development sa rehiyon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Ikalawang Rehiyon, sa pangunguna ng Panrehiyong Patnugot, Ma’am Agnes A. De Leon, CESO IV ay nakibahagi sa matagumpay na paglulunsad ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Cauayan nang Gender-Responsive Digital Platforms – JCD GAD Connect

Ang aktibidad ay isinagawa noong ika-15 ng Mayo 2025 sa Isabela Convention Center, Lungsod ng Cauayan, Lalawigan ng Isabela, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya sa rehiyon.

 Bilang isa sa mga nangungunang Smart Cities sa bansa, patuloy na pinangungunahan ng Pamahalaang Lokal ng Cauayan ang paggamit ng teknolohiya upang maisulong ang makabago, inklusibo, at responsableng pamamahala. Layunin din ng inisyatibong ito na  lalo pang mapalawak ang integrasyon ng GAD sa pamamagitan ng mga digital na plataporma ng lungsod upang matiyak ang epektibong pagpapatupad at mas malawak na kaabutan ng mga programang pang-GAD para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Direktor Ma’am Agnes A. De Leon, CESO IV ang taospusong pagbati sa Pamahalaang Lungsod ng Cauayan sa matagumpay na inisyatibong ito na aniya’y nararapat na ituring na best practices sa rehiyon pagdating sa pagsasakatuparan ng makabagong pamamahala. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mabilis, efficient, at makataong serbisyo publiko alinsunod sa direktiba ng Pangulo sa Ease of Doing Business.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ibinahagi rin ni Direktor De Leon na kamakailan ay ginawaran ng GAD GOLD Seal Award ang Kagawaran — isang patunay ng pagsusumikap ng DILG sa pagtataguyod ng dekalidad na serbisyo. Muli niyang pinagtibay ang paninindigan ng DILG sa patuloy na paggabay sa mga lokal na pamahalaan, lalo na sa larangan ng digitalisasyon at GAD mainstreaming, tungo sa mas matatag, inklusibo, at progresibong pamahalaan.

Kabilang sa mga tampok na bahagi ng aktibidad ang opisyal na Digital Roll-Out, ang pagpapakilala sa mga pangunahing personalidad sa likod ng proyekto, at ang sabayang pagpirma ng Manual of Operations ng JCD GAD Connect ng mga pinuno ng bawat ahensya—bilang konkretong patunay ng kanilang suporta at lubos na pagtanggap sa inisyatiba.

Kabilang sa mga tampok na bahagi ng aktibidad ang opisyal na Digital Roll-Out, pagpapakilala sa mga nasa likod ng proyekto, at ang sama-samang pagpirma ng Manual of Operations ng JCD GAD Connect ng mga pinuno ng bawat ahensya bilang tanda ng kanilang suporta at pagtanggap.

LA II Enrico Miguel S. Gonzales

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam