Lungsod ng Tuguegarao, Lalawigan ng Cagayan — Ipinagdiwang ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal-Rehiyon 02 ang matagumpay na pagtatapos ng Buwan ng Ease of Doing Business (EODB) sa pamamagitan ng isang makabuluhang culminating activity na puno ng inspirasyon, pagninilay, at pagkilala noong ika-26 ng Mayo, 2025.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Kawaksing Panrehiyong Patnugot Elpidio A. Durwin, CESO IV ang patuloy na pagtutok ng ahensya sa pagpapamadali ng mga proseso, pagsulong para sa mabuting pamamahala, at pagpapabuti ng serbisyong pampubliko. Kanyang ipinaalala ang mahalagang papel ng bawat kawani ng kagawaran sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng batas ng EODB.

Inilahad sa pamamagitan ng isang Audio-Visual Presentation (AVP) ang mga tampok na kaganapan sa buong buwan ng selebrasyon, kabilang ang mga aktibidad, inisyatibo, at mga materyales para sa Information, Education and Communication (IEC) mula sa iba’t ibang tanggapan ng rehiyon na nagpapamalas ng kahusayan, transparency, at inobasyon.

Isa sa mga tampok ng programa ang pagkilala sa mahuhusay na serbisyo at mga kawani. Pinarangalan ang mga sumusunod na kawani dahil sa kanilang dedikasyon, kahusayan sa serbisyo, at ambag sa pagpapabuti ng Ease of Doing Business sa Rehiyon Dos:

🏅 Request for the Issuance of Department Authority to LGUs to Purchase Vehicle

LGOO V DYAN MARIE M. TAMBIS
Focal Person

LGOO VI RONALDO A. ESCOBAR
MLGOO – DILG Diadi, Nueva Vizcaya

LGOO VI MICHELLE D. DINAMLING
MLGOO – DILG Bambang, Nueva Vizcaya

🏅 Request for Certification of Service Rendered by Local/Barangay Official for Application for CSC Eligibility

LGOO V JASMIN O. ARESTA
Focal Person

LGOO VI FERNANDO T. CALABAZARON III
CLGOO – DILG Tuguegarao City, Cagayan

LGOO II ODY L. GRANETA, JR.
Focal Person – DILG Cagayan

LGOO VI ERICK C. DANAO
MLGOO – DILG Diffun, Quirino

LGOO VI RAZEL P. CODAMON
MLGOO – DILG Cabarroguis, Quirino

🏅 Request for Technical Assistance (Resource Persons) – Category C

DC ELSBETH T. MARALLI
Focal Person

LGOO V ATTY. RAMBO R. TAMBAUAN
Focal Person

LGOO VI/PM MELANIA M. SEANGOY
Focal Person – DILG Nueva Vizcaya

LGOO VI CARLITO T. HIPOLITO
Focal Person – DILG Cagayan

LGOO V MILDRED P. FURIGAY
Focal Person – DILG Cagayan

🏅 Recruitment, Selection and Promotion of 1st & 2nd Level Positions

AO V MARIA LUISA C. DY
Focal Person

🏅 Request for Access to Documents/Records/Information (for Records Management)

AO III JOMAR T. ARUGAY
Focal Person

Nagpahayag din ng kanyang suporta at inspirasyon si Panrehiyong Patnugot Agnes A. De Leon, CESO IV, sa pamamagitan ng isang mensahe na lalong nagbigay-lakas at direksyon sa mga kawani:


"Ang ating dedikasyon sa pagpapahusay ng mga sistema at serbisyo ay hindi lamang pagsunod sa batas, kundi isang tunay na paglilingkod sa taumbayan. Ang bawat hakbang tungo sa transparency, kahusayan, at pagbabago ay hakbang rin tungo sa mas maunlad na pamahalaan. Sa tulong ng inyong sipag at malasakit, patuloy nating maisusulong ang isang pamahalaang may malasakit, mabilis tumugon, at tunay na naglilingkod para sa lahat."

Ang culminating activity ay nagsilbi hindi lamang pagdiriwang ng mga natamong tagumpay kundi isa ring panibagong panawagan sa pagkilos — upang patuloy na magsikap para sa kahusayan sa paglilingkod sa bayan.


JA PEACE UY CARODAN

AO IV (HRMO II)

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam