Matagumpay na isinagawa ang 2025 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) Functionality Assessment na saklaw ang taong 2024 noong Mayo 28, 2025, sa NGN Gran Hotel, Tuguegarao City.

Sa kanyang panimulang mensahe, binigyang diin ni Direktor Elpidio A. Durwin, Kawaksing Panrehiyong Patnugot ng DILG Rehiyon 02 ang kahalagahan ng taunang pagtatasa sa mga lokal na komiteng ito upang masiguro na ang mga mekanismo sa pamahalaang lokal na naglalayon na puksain ang trafficking at karahasan sa kababaihan at mga bata ay mahusay na naipapatupad at epektibong nagagampanan ang kanilang naiatas na mandato.

Ang naturang pagtatasa ay isinagawa ng Regional Inter-Agency Monitoring Team (RIMT) ng rehiyon na siyang pinamumunuan ng Kagawarang ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG). Kinabibilangan rin ito ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Katarungan (DOJ), Pambanasyang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), at Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

Ang mga nasuri sa gawaing ito ay ang limang Pamprobinsyang LCAT-VAWC at Panlungsod na LCAT VAWC ng Santiago City na isang Independent Component City.

Para sa maayos at sistematikong pagpapatupad ng pagtatasa, dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa mga masusuring lokal na pamahalaan at ang focal person ng mga panlalawigang tanggapan ng DILG na nagsilbing tagapaglahad ng kani-kanilang mga dokumento.

 

LGOO V Kymverlie P. Mallo

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam