
Tuguegarao City, Cagayan | Ika 24 ng Hunyo, 2025 – Matagumpay na isinagawa ang working-level meeting ngayong araw, June 24, 2025, kasama ang mga kinatawan mula sa PCVF sa DILG R2 Conference Hall, Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga hamon at epekto ng presensya ng mga dayuhang puwersa militar sa bansa, lalo na sa Hilagang Luzon, at kung paano maagap na matutugunan ang mga posibleng isyung kaakibat nito.
Bilang kalihiman ng Cagayan Valley Regional Peace and Order Council (CV-RPOC), binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, lalo na sa mga programang tulad ng Balikatan at Salaknib exercises upang maiwasan ang kalituhan at matugunan ang pangamba ng pamayanan kaugnay sa mga gawaing may kinalaman dito.
Ipinunto rin ang mahalagang papel ng mga Lokal na Pamahalaan (LGUs) at mga kaukulang pangrehiyong tanggapan sa pagpapatupad, pagsasaayos, at pagbabantay sa mga Status of Forces Agreements (SOFAs)-related engagements. Ang kanilang aktibong partisipasyon ay susi upang masigurong ang mga aktibidad ng dayuhang militar ay maayos, bukas, at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga lokal na komunidad.