
LUNGSOD NG TUGUEGARAO, CAGAYAN —Matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan Rehiyon Dos - Dibisyon ng Pangasiwaan at Pananalapi (DILG R2 FAD) ang Leading New Employees to Better Appreciate the Department and Civil Service (LEAD): Oryentasyon para sa mga bagong empleyado ng DILG R2 noong ika-2 hanggang ika-3 ng Agosto 2023.
Bilang isang Kagawaran na may Antas ng Bronze, mahalagang bahagi ang patuloy na pag-unlad ng kaalaman sa Prime Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM). Ang aktibidad na ito ay isa sa mga hakbang ng Kagawaran para sa mga bagong empleyado upang sila ay magkaroon ng malalim na pang-unawa sa organisasyon, kanilang mga tungkulin at responsibilidad, at mahasa ang kanilang kaalaman sa iba't-ibang proyekto at aktibidad, pati na rin sa Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160).
Binigyang diin ni Punong Tagapamahala Ive B. Saludez ng Dibisyon ng Pangasiwaan at Pananalapi, na kahit gaano pa kaliit o kalaki ang ating ambag, makakatulong pa rin ito sa pag-abot ng mandato ng Kagawaran. Nagpasalamat rin siya sa lahat ng mga tagapagsalita mula sa iba't-ibang dibisyon ng DILG R2 at sa Komisyon ng Serbisyo Sibil (CSC R2) na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa mga bagong kawani ng DILG R2.
Umabot sa dalawampu't limang (25) bagong empleyado ang aktibong dumalo sa aktibidad na nagpapakita ng kahalagahan at positibong epekto ng inisyatibong ito.
COS-ADA IV RALPHKEVIN U. VISTA