
DIFFUN, QUIRINO - Dumalo sa inagurasyon ng Rehabilitation of Rafael Palma-Sitio Copianan-Campamento Road ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan (DILG) ng Quirino na pinangunahan ni OIC-Program Manager Carolyn C. Mateo sa Brgy. noong ika-29 ng Agosto, 2023.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng FY 2022 Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP).Bukod sa pagsasaayos ng pagsemento ng kalsada, may kasama ring slope protection, cross drainage at road signages na ginawa para sa proyekto. Pinangunahan ni Gob. Dakila Carlo E. Cua kasama sina Kgg. May Calaunan, Alkalde ng Lokal na Pamahalaan ng Diffun, Punong Barangay ng Rafael Palma at Campamento, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Diffun, mga benepisyaryo ng proyekto at kinatawan ng contractor.
Binigyang importansiya ni OIC-PM Mateo sa kanyang mensahe na ang Kagawaran ay patuloy na pinapaigting ang adhikain na mapaunlad ang lahat ng mga komunidad sa buong lalawigan ng Quirino.
Binigyang importansiya ni OIC-PM Mateo sa kanyang mensahe na ang Kagawaran ay patuloy na pinapaigting ang adhikain na mapaunlad ang lahat ng mga komunidad sa buong lalawigan ng Quirino at isang halimbawa ang CMGP ng masusing pagtutulungan ng Pambansa at Lokal na Pamahalaan upang makamtan ito. Bukod sa mas pinagandang kalsada, binanggit din ni OIC-PM Mateo na ang pinasinayaang proyekto ay nagbibigay pag-asa at pagkakataon para sa ating mga kababayan na magkaroon ng mas madaling access sa mga serbisyo ng gobyerno.
Pinuri ni Gob. Cua ang lahat ng mga tumulong at nagbigay partisipasyon upang maisakatuparan ang proyekto.
Pinuri naman ni Gob. Dakila Carlo E. Cua sa kanyang mensahe lahat ng mga tumulong at nagbigay partisipasyon magmula sa Lokal na Pamahalaan hanggang sa mga residente upang maisakatuparan ang proyekto. Nagpasalamat din sya sa mga Pambansang Ahensya ng Gobyerno sa walang sawang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga proyektong pang imprastraktura. Hangad ng Gobernador na sana magtuloy-tuloy pa ang pagbigay ng Pambangsang Pamahalaan ng mga programa at proyektong tulad nito sa Lalawigan ng Quirino para sa patuloy na pag-unlad at pag-angat ng mga lokal na pamahalaan sa probinsya.
Taos pusong nagpasalamat din si Alkalde Calaunan sa kanyang mga nasasakupan sa kanilang pagtutulungan upang matapos ang proyekto. Inaasahan ni Alkalde Calaunan na sana ay madagdagan pa ang ganitong klase ng mga proyekto sa bayan ng Diffun upang mas lalong mapabilis ang pagbigay serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Diffun.
Nabanggit ng Punong Barangay ng Campamento na malaking ginhawa para sa kanilang pamayanan ang pagpapaayos ng kalsada sa kanilang barangay. Aniya, napapabilis ang kanilang paglalakbay dahil sa maayos na pagkakagawa ng kalsada. Nais nya ay sana ipagpatuloy pa ang naumpisahang nasementuhang kalsada sa kanilang barangay hanggang sa makarating ito sa mga liblib na lugar.
Engineer I Dan Mark Gangan