
Ngayong araw ginanap ang seremonya ng inagurasyon ng Proyektong - SGLGIF sa Brgy. Parog parog, Bayan ng Solana,Cagayan. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Ikalawang Rehiyon na pinangungunahan ni Engr. Maria Loida M. Urmatam,CESE Panlalawigang Patnugot ng DILG – Cagayan, kasama si Gng. Marielle S. Maramag ang MLGOO ng bayan ng Solana at mga kinatawan mula sa Panrehiyon at Panlalawigang Yunit sa Pamamahala at Pagpapaunlad ng Proyekto (PDMU).Dumalo din ang Alkalde ng Bayan ng Solana, na si KGG Jennalyn T. Carag at Bise Alkalde na si KGG Meynard C. Carag, CPA kasama ang mga opisyal ng Lokal na pamahalaan ng Solana at mga miyembro ng Sanggunian Bayan ng Brgy. Parog Parog.
Bilang pangunahing panauhin nagbigay mensahe ang Panlalawigang Patnugot na Si Engr. Urmatam sa kanyang mensahe:”Ang proyektong ito ay sumisimbulo ng ating kooperasyon at pagkakaisa bilang isang LGU. Solana, as a two-time SGLG Awardee, will leave a lasting legacy, bringing the LGU to the forefront by achieving clean data. This accomplishment ensures that Solana will no longer need to undergo the National validation for the potential Seal of Good Local Governance. Congratulations to LGU Solana!”
Kasunod nito bilang kinatawan ng Barangay Parog parog nagbigay diin sa kanyang mensahe si KGG Rosano C. Cristobal ang Punong Barangay ng Barangay Parog Parog. Ipinagmalaki nito na ang proyekto ay magbibigay ng mas maliwanag at ligtas na pamayanan sa kanyang nasasakupan. Matapos ang mga pagpapahayag ng pasasalamat at komendasyon, sinundan ito ng paglagda ng mga pangunahing panauhin sa sertipiko ng pagtanggap at paglilipat.
-Daren Chris A. Paddayuman
Information System Analyst I