SANTIAGO CITY – Layon na linangin ang mga kakayanan at kasanayan sa pamumuno ng mga Sangguniang Kabataan, nagdaos ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng LGCDD, ng Wemboree na pinamagatang “Changing the Mindset from ME to WE” noong ika-21 hanggang ika-23 ng Agosto 2024.

Sa loob ng tatlong araw, lumahok at sumailalim ang mga SK sa iba’t-ibang sesyon na sangkap ng pangkalahatang aktibidad, na kinabibilangan ng talakayan sa mga paksang katulad ng papel ng mga kabataan sa pagpa-unlad ng bansa,  Mental Health, Teenage Pregnancy, Early Parenthood, HIV Awareness, Systems Thinking, Gardner’s Multiple Intelligence, L!STONG Kabataan, at iba pa.

Bukod pa sa mga talakayan, tinipon din ang mga kabataan upang ipamalas ang kanilang mga angking katalinuhan at galing sa isang gabi ng bonfire at pagtatangahal ng talento na kabahagi ng mga aral na kanilang natutunan, na winakasan ng isang praktikal na pagsasanay sa Basic Life Support and Skills Training na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng lalawigan ng Isabela.

Ang konseptong Wemboree ay may layuning mamuhunan sa mga kabataang Pilipino sa pamamagitan ng dalisay at maayos na pamamaraan na kumikilala ng kahalagahan ng kabataan sa pagkamit ng maunlad at progresibong pamayanan.# 

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam