
Sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Paggawa ng Pilipinas at World Day for Safety and Health at Work, matagumpay na isinagawa ang “Sing and Dance iDOLE: Talentadong Manggagawang Pinoy”. Isang makabuluhang aktibidad na pinangunahan ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo - Rehiyon 2 upang kilalanin hindi lamang ang dedikasyon kundi pati na rin ang talento ng mga manggagawang Pilipino.
Ginanap ang kompetisyon noong ika-28 ng Abril 2025 sa Robinsons Place Tuguegarao, habang isinagawa naman ang gawad-parangal noong ika-01 ng Mayo 2025 sa SM City Tuguegarao.
Tampok sa mga nanalo ang mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Rehiyon 2 na kinilala sa dalawang kategorya:
🏆 Kampeon sa Vocal Duet Category – Sina LGOO IV Jed Amante B. Apada at DMO II (COS) Rochelle U. Cagurangan ang kinilala bilang pinakamahusay sa kategoryang Vocal Duet matapos nilang magpakitang-gilas sa entablado at umani ng papuri mula sa mga hurado.
🥉 Ikalawang Pangalawang Gantimpala (2nd Runner-Up) sa TikTok Dance Competition – Ang DILG Dance Team na binubuo nina ADA III (COS) Joyce Ann A. Sapipi, ADA I (COS) Clark Joseph G. Ursulum, PO II (COS) Jamieleine B. Acenas, ADA III (COS) Gianette Ellice C. Bañez, at DMO II (COS) Willy A. Panaga, Jr. ay kinilala para sa kanilang malikhaing koreograpiya at masiglang pagtatanghal sa TikTok Dance segment.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang patunay ng galing at talento ng mga kawani ng Kagawaran, kundi ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay inspirasyon at sigla sa mga gawaing bumubuo sa mas ligtas, malusog, at masayang kapaligiran sa paggawa.
Isang pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino – tunay na mga bayani ng bayan!
SOURCE: AO IV (HRMO II) JA PEACE UY CARODAN