News

- Details
- Category: News
LUNGSOD NG ILAGAN, ISABELA - Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa lalawigan ng Isabela, sa pamumuno ni Direktor Corazon D. Toribio, ay nagsagawa ng Townhall Meeting ukol sa pagsisikap ng pamahalahaan sa pagbabakuna sa lalawigan ng Isabela.

- Details
- Category: News
TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Ang Committee on Devolution sa antas ng rehiyon ay pormal na naitatag ngayong ika-5 ng Agosto 2021 alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 138. Layunin nitong mapalawig ang kahandaan ng mga pamahalaang lokal at iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa nalalapit na pag-aabot ng tungkulin ayon sa pasya ng Korte Suprema sa petisyon nina Gobernador Hermilando Mandanas ng Probinsya ng Batangas at dating gobernador ng Bataan Enrique Garcia, Jr. o ang tinatawag na Mandanas-Garcia Ruling. Ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ang uupo bilang tagapangulo ng komite at ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal bilang pangalawang pangulo.

- Details
- Category: News
TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 138 na nilagdaan ng mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-01 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Rehiyon Dos ay nagdaos ng paunang pagpaplano at pagpupulong noong ika-03 ng Agosto, upang pangasiwaan at pasimulan ang papagbalangkas ng mga pamahalaang lokal sa buong rehiyon ng kanilang kanya-kanyang DTPs o ang tinatawag na Devolution Transition Plans.