News

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Ang Committee on Devolution sa antas ng rehiyon ay pormal na naitatag ngayong ika-5 ng Agosto 2021 alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 138. Layunin nitong mapalawig ang kahandaan ng mga pamahalaang lokal at iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa nalalapit na pag-aabot ng tungkulin ayon sa pasya ng Korte Suprema sa petisyon nina Gobernador Hermilando Mandanas ng Probinsya ng Batangas at dating gobernador ng Bataan Enrique Garcia, Jr. o ang tinatawag na Mandanas-Garcia Ruling. Ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ang uupo bilang tagapangulo ng komite at ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal bilang pangalawang pangulo.

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 138 na nilagdaan ng mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-01 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Rehiyon Dos ay nagdaos ng paunang pagpaplano at pagpupulong noong ika-03 ng Agosto, upang pangasiwaan at pasimulan ang papagbalangkas ng mga pamahalaang lokal sa buong rehiyon ng kanilang kanya-kanyang DTPs o ang tinatawag na Devolution Transition Plans.

RDsCorner

ARDsCorner

PAGASA Weather Update

GAD Corner

Anti-Red Tape

Advance Fee Scam